^

PSN Palaro

PBA Governor's Cup: Thunder silat sa Realtors

-
Diniskaril ng Sta. Lucia Realty ang debut game ng Batang Red Bull sa pamamagitan ng kanilang impresibong 96-77 pa-nalo sa PBA Governor’s Cup kagabi sa PhilSports Arena.

Matapos pangunahan ni Marlou Aquino ang buwenamanong tagumpay ng Realtors, kumana naman si Dennis Espino upang ihatid ang Realtors sa kanilang ikalawang sunod na panalo at hiyain ang Commissioner’s Cup champion na Red Bull Thunder.

Tumapos si Espino ng 22-puntos kabilang ang kanyang jumpshot sa right corner para sa pinakamalaking kalamangan ng Sta. Lucia na 22-puntos, 80-58, 8:47 ang oras sa laro.

Si Espino rin ang nanguna sa 7-0 break-away sa ikatlong quarter na naglayo sa Realtors mula sa 58-53 pagkaka-dikit ng score at ibandera ang 65-53 kalamangan, 4:11 na lamang ang natitira sa third canto.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Sta. Lucia matapos ang kanilang 84-78 pamamayani kontra sa Swift sa kanilang debut game sa season-ending conference na ito.

"The locals stepped up again for us tonight," ani coach Norman Black. "We played with a sense of purpose tonight, trying to build on that good game we had against Swift."

Tanging nagawa ng Red Bull ay makalapit lamang sa 82-68, 6:35 ang oras sa laro ngunit naibalik naman ng Sta. Lucia ang kanilang 22-puntos na kalamangan.

BATANG RED BULL

DENNIS ESPINO

DINISKARIL

LUCIA REALTY

MARLOU AQUINO

NORMAN BLACK

RED BULL

RED BULL THUNDER

SI ESPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with