Pinahirapan ni Lerio, Sydney Olympics veteran ang kalabang si Dufri Masihor ng Indonesia, 23-9 sa bantamweight division habang dinomina naman ni Galido ang laban sa welterweight class makaraang manalo ito kay Aung Kyaw Kyaw ng Myanmar sa pamama-gitan ng Referee-Stop-ped-Contest.
Ang panalo ay nagdala kay Lerio sa semis upang makaharap si Aung Tun Lin ng Myanmar.
Sa kabilang dako naman, mas mabigat na daan ang tatahakin ng Olympic veteran din na si Galido na malamang makasagupa ang isang Thai sa 67 kg. division.
Nakauna na sa semis sina Violito Payla, Romeo Brin, Maximo Tabangcora, Larry Semillano at Ramil Zambales.
Sa 11 boksingerong ipinadala dito, apat ang hindi sinuwerte at ito ay sina Juanito Magliquian, Harry Tanamor, Junie Tizon at Marlon Goles.
"Maaga pa para magsalita. Semis pa lang yan. Bahala ang mga bata kung hanggang saan ang kaya nilang gawin pero siyempre, sana magtuluy-tuloy ang panalo natin," masayang pahayag ni ABAP president Manny Lopez.