^

PSN Palaro

Lerio, Galido pasok sa semis

-
KUALA LUMPUR - Lumakas ang tsansa ng Philippine boxing team na malampasan ang kanilang nakakadismayang pagtatapos noong 1999 Brunei Games makaraang dumagdag sa listahan sina Arlan Lerio at Reynaldo Galido sa mga nakasulong sa semis upang samahan ang lima pang naunang Pinoy boxers.

Pinahirapan ni Lerio, Sydney Olympics veteran ang kalabang si Dufri Masihor ng Indonesia, 23-9 sa bantamweight division habang dinomina naman ni Galido ang laban sa welterweight class makaraang manalo ito kay Aung Kyaw Kyaw ng Myanmar sa pamama-gitan ng Referee-Stop-ped-Contest.

Ang panalo ay nagdala kay Lerio sa semis upang makaharap si Aung Tun Lin ng Myanmar.

Sa kabilang dako naman, mas mabigat na daan ang tatahakin ng Olympic veteran din na si Galido na malamang makasagupa ang isang Thai sa 67 kg. division.

Nakauna na sa semis sina Violito Payla, Romeo Brin, Maximo Tabangcora, Larry Semillano at Ramil Zambales.

Sa 11 boksingerong ipinadala dito, apat ang hindi sinuwerte at ito ay sina Juanito Magliquian, Harry Tanamor, Junie Tizon at Marlon Goles.

"Maaga pa para magsalita. Semis pa lang yan. Bahala ang mga bata kung hanggang saan ang kaya nilang gawin pero siyempre, sana magtuluy-tuloy ang panalo natin," masayang pahayag ni ABAP president Manny Lopez.

ARLAN LERIO

AUNG KYAW KYAW

AUNG TUN LIN

BRUNEI GAMES

DUFRI MASIHOR

GALIDO

HARRY TANAMOR

JUANITO MAGLIQUIAN

JUNIE TIZON

LARRY SEMILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with