^

PSN Palaro

2 ginto lang sa RP

-
KUALA LUMPUR - Mahina ang ani ng gintong medalya para sa Philippine contingent nang dalawang gold medals lamang ang naitala sa pagpapatuloy ng 21st Southeast Asian Games dito.

Unang inilista ng fen-cer na si Walbert Mendoza ang gintong medalya nang magwagi ito sa sabre event sa fencing competition at ang ikalawang gold naman ay nagmula sa bowling trios ng mga kalalakihan.

Ang dalawang golds at karagdagang anim na silvers at four bronzes ay sapat na sa Filipinos para manatiling nakabuntot sa likod ng pumapang-apat na Vietnam sa overall race.

Hindi pinakawalan nina Chester King Constantino, CJ Suarez at Leo-nardo Rey ang gold sa trios event nang magtala ito ng games record na 3, 941 pins at pigilan ang pananalasa ng Malaysian bowlers na nakuntento na lamang sa silver medal.

Humakot si Rey ng 3-game at 6-game records na 720 at 1339 na may 730 at 1398 pinfalls upang banderahan ang RP squad sa 213 pin na panalo kontra sa Malaysia na may record total na 3941.

Sumuporta naman sina CJ Suarez at Chester King kay Rey na may 1296 at 1247, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman naging masuwerte ang mga kababaihan bagamat naisukbit nila ang silver medal, 3,614.

Bagamat madalang ang gold medals nagniningning naman ang silver medals para bansa sa nairehistrong 4 silvers at apat din sa bronze.

Isinukbit ni Edmund Velez ang silver medal sa sabre event pagkatapos ng All-Filipino final show-down kay Mendoza.

Nakuntento din sa silver ang beteranong shooter na si Nathaniel "Tac" Padilla na pumutok ng 665.9 sa 25M Rapid Fire pistol men’s individual at samahan naman sina Carlos Medina, Inocentes Dionesa sa pagsungkit ng bronze medal sa team event ng naturang event.

Isa pang shooter sa katauhan ni Paul Brian Rosario at pumutok ng 137.0 sa skeet men’s individual para din sa silver.

Naorasan naman ng 00:08:00.43 ang Pinoy rowers para sa silver ng lighweight men’s coxless four.

Nakuntento lang din sa bronze ang siklistang si Victor Espiritu sa 45Km Individual Time Trial-Road cycling event at ang Lightweight Double Sculls team sa rowing.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipag-kompitensiya pa si long jump queen Elma Muros kung saan hangad nito ang isang magandang pamamalaam sa kanyang career. (Ulat ni Dina Marie Villena)

CARLOS MEDINA

CHESTER KING

CHESTER KING CONSTANTINO

DINA MARIE VILLENA

EDMUND VELEZ

ELMA MUROS

INDIVIDUAL TIME TRIAL-ROAD

INOCENTES DIONESA

LIGHTWEIGHT DOUBLE SCULLS

NAKUNTENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with