Adamson taob sa Philab

Nagtala ng anim na runs ang many-times titlist Philab sa taas ng anim na inning at pito pa sa sumunod na frame tungo sa kanilang 13-4 panalo kontra sa Adamson sa penultimate day ng eliminations ng 12th PABA Presidential Cup tournament kamakalawa sa Rizal Ballpark.

Ang Ballbusters na tumalo din sa Falcons sa unang round, 13-0, ay walang patawad sa huling bahagi ng siyam na inning sa pangunguna ni infielder Roy Baclay na may tatlong RBIs (Runs-Batted-In) sa limang beses na pagtapak sa plate kabilang ang two-run single sa six-run first inning.

Mayroon ding tigalawang runs ang kanyang mga kasamahang sina Cris Jimenez at Arniel Bertuso habang ang mga pitcher na si Ferdinand Badrina at Cris Canlas ay may pinagsamang 10-hit pitching.

Bagamat nabigong makapasok sa championship makaraang tapusin ng Ballbusters ang double round eliminations sa taglay na 6-2 record sa likod ng Group A topnotcher Navy (6-0), makakaharap nila ang Army na nagtapos sa Group B na may 5-2 panalo-talo para sa konsolasyong ikatlong posisyon.

Show comments