^

PSN Palaro

2 gold medalists na Pinoy pinuri ni Tuason

-
"Ang kaguluhan sa asosasyon ay hindi dapat makaapekto sa mga atleta para makapaglingkod sa bansa at magtagumpay".

Ito ang pahayag ni Philippines Sports Commission Chairman Butch Tuason kahapon nang kanyang purihin ang kabayanihan ng karatedo athletes na sina Jose Mari Pabilore at Gretchen Malalad na naghandog sa Philippines ng unang dalawang gold medal sa Southeast Asian Games.

Sinabi ni Tuason na sina Pabilore at Malalad ay kasanib sa karatedo association na nagkaroon ng problema bago tumulak ang mga atleta pa-punta dito.

Ngunit ayon kay Tuason, ginamit ng dalawa ang supor-tang ibinigay sa kanila ng PSC-POC Task Force sa pangungu-na ni Commissioner Ritchie Garcia nang magkagulo ang asosasyon.

"We just had to make quick action when we felt that they needed support and the PSC really gave the karate players the funds, equipment or foreign exposure that were available," ani Tuason. "We literally adopted the national karate team."

Ang unang gintong medalya para sa Philippines ay inihatid ni Pabilore nang siya ay magtagumpay sa men’s kumite at sinundan naman ito ni Malalad sa kanyang pamu-muno sa women’s 60 kg. individual kumite.

COMMISSIONER RITCHIE GARCIA

GRETCHEN MALALAD

JOSE MARI PABILORE

MALALAD

PABILORE

PHILIPPINES SPORTS COMMISSION CHAIRMAN BUTCH TUASON

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TASK FORCE

TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with