Indons bugbog sa RP-5
September 11, 2001 | 12:00am
Dama ang hinanakit sa kanilang puso sa hindi pagbibigay ng rekognisyon ng Philippine Olympic Committee ipinamalas ng kontrobersiyal na Philippine basketball team ang kanilang determinasyong mapanatili ang korona sa basketball event makaraang pabagsakin ang batam-batang Indonesia, 112-74 sa pagsisimula ng aksiyon sa naturang event sa 21st Southeast Asian Games dito.
Humataw ng 20 puntos si Romel Adducul nang kanyang pamunuan ang pananalasa ng RP-5 nang agad itong umabante ng 27 puntos sa unang bahagi ng laro, 59-32 bagamat sa unang yugto pa lamang ay agad nang ipinaramdam ang kanilang supremidad.
Makakaharap ng Nationals ang Vietnam nga-yong alas-4 ng hapon upang higit na palakasin ang kanilang kampanya.
Bukod kay Adducul, tumapos din si Eddie Laure ng 19 puntos.
Nagbanta si BAP Tiny Literal na i-pull-out ang basketball team makaraang hindi ito bigyan ng accreditation mula sa Philippine Olympic Committee.
Bunga nito, gumawa din ng paraan si Literal upang makapasok sa loob ng gymnasium upang panoorin ang kanyang mga bataan nang gamitin nito ang accreditation ni PSC commissioner William Ramirez at katabi pa mismo si PSC chairman Butch Tuason na nanood ng game.
Mismong si Bacolod Rep. Monico Puentevella na ang nakipag-usap sa POC upang mabigyan ng accreditation card si Literal ngunit hindi ito binig-yan ng pansin. (DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended