^

PSN Palaro

2 ginto nakuha ng Pinoy

-
KUALA LUMPUR - Isang rookie at isang beterano na parehong may nais patunayan sa karatedo ang pumukaw ng pansin sa 21st Southeast Asian Games kahapon nang kanilang ihatid ang unang dalawang gintong medalya sa Philippines sa biennial sport event na ito.

Pinabagsak ni Jose Mari Pabilore, 22-gulang na karatekas mula sa Cagayan de Oro City na isa sa mga atletang dumating dito, si Dam Sri Jam, isang muay Thai champion mula sa Thailand, sa kanilang mahigpit na laban na dalawang beses na na-extend upang kunin ang 80 kilogram gold.

Impresibong tagumpay naman ang naitala ni Gretchen Malalad, 20-gulang buhat sa Pasig na walang naiuwi mula sa kanyang unang SEA stint sa Brunei, kontra kay Johana Jaseger, +9-2 para sa gintong medalya ng women’s +60 kg kumite finals.

Bumangon ang 5-foot-8 na si Pabilore mula sa 4-7 deficit upang makatabla sa 7-all sa pagtatapos ng three-minute round at naipuwersa nito ang dalawang extensions bago tinanghal na panalo sa pamamagitan ng superiority dahil mas maraming fouls ang kanyang kalaban.

"My height at mga suntok sa katawan ang nagpanalo sa akin," pahayag ni Pabilore na nagsabing ang kanyang panalo ay nagpapatunay na ang mga ipinahabol na atletang makasama sa delegasyon ay ang mga nararapat.

Nasiyahan naman si Malalad at naisakatuparan nito ang kanyang hangaring makabawi sa kanyang masamang performance sa Brunei Games, dalawang taon na ang nakakaraan.

"Hindi nasayang ang paghihirap ko sa training," ani Malalad na tumalo sa kanyang kalabang Indon sa pamamagitan ng mga suntok sa katawan at 3-point kick.

Ang Philippines ay mayroon ding apat na silvers at anim na bronze.

Dalawang silvers ang naibulsa ni Jethro Dionisio sa kanyang individual event at team event kasama sina Jaime Recio at Eric Ang, naka-silver din si featherweight Kalindi Tamayo sa women’s taekwondo at wushu specialist Lili So na umiskor ng 9.26 upang pumangalawa sa nanquan para sa unang medalya ng Philippines.

Ang mga bronze medal winners ay sina taekwondo-jins Jasmin Strachan, bantamweight; Manuel Rivero Jr., bantamweight; at Jefferthom Go, featherweight; Noel Espinosa, men’s individual kata; at karatekas Marna Pabilore +48 kilogram sa women’s individual kumite at Ryan Bonifacio sa +75 kg men’s kumite.

Maganda rin ang simula ng mga tenista matapos magwagi sa men’s at ladies team competition.

Tinalo ng mga Pinoy netters ang Malaysia, 3-0 habang blinangko rin ng mga lady netters ang Vietnam, 3-0.

Masama naman ang simula ng boxing nang mabigo sina Juanito Magliquian (45 kilograms) at Junie Tizon (71 kg.) na kapwa bigo sa kani-kanilang Thailander na kalaban.

Natalo si Magliquian kay Keaw Pongprayoon, 10-11 habang si Tizon ay durog kay Dachabon Suwanaliro, 1-12.

vuukle comment

ANG PHILIPPINES

BRUNEI GAMES

DACHABON SUWANALIRO

DAM SRI JAM

ERIC ANG

GRETCHEN MALALAD

JAIME RECIO

JASMIN STRACHAN

JEFFERTHOM GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with