RP lady booters pinatalsik

KUALA LUMPUR - Pinatalsik ng Myanmar ang Philippine team sa women’s soccer competition ng 21st Southeast Asian Games nang kanilang itakas ang 1-0 panalo noong Huwebes ng gabi sa Stadium Cheras dito.

Prinotektahan ng Burmese booters ang goal ni striker Hla Hala Than sa ika-54th minuto hanggang sa matapos ang labanan upang ipalasap sa mga Pinay booters ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo sa gayundin dami ng laro sa Group A.

Ito naman ang ikalawang sunod na tagumpay ng Myanmar upang makausad sa semifinal round habang talsik na sa kontensiyon ang RP squad.

Wala nang silbi kung maipapanalo ng Philippines ang kanilang huling eliminations game sa September 10 kontra sa host Malaysia na wala ring panalo matapos malasap ang 1-2 kabiguan kontra sa defending champion na Thailand.

"It could have easily gone the other way but the breaks were not for us," pahayag ni RP team manager Jose Mari Martinez.

Inimbitahan ni Martinez sina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit para bigyan ang team ng pre match pep talk at naging maganda ang kanilang responde kontra sa Myanmar ngunit naapektuhan sa pagkawala ng right winger na si Rachelle de los Santos na bumangga sa Myanmar goal keeper na si Myint Myint Than

Naging abala si RP goalie Rachelle Gaa sa kabuuan ng laban na sinaksihan nina Philippine ambassador Chito Brillantes, POC first vice president Steve Hontiveros at RP chief de mission Freddie Jalasco at PSC Commissioner Richie Garcia kasama si Dayrit, sa pagpigil sa mga pagtatangka ng Myanmar ngunit hindi naman naka-iskor ang kanyang mga kasamahan.

Show comments