UAAP Basketball: Tamaraws nakaalpas
September 7, 2001 | 12:00am
Winakasan ng Far Eastern University ang kanilang five-game losing streak nang kanilang maungusan ang Adamson University, 73-72 kahapon upang palakasin ang kanilang kampanya sa Final Four ng 64th UAAP basketball tournament sa Ateneo Gym.
Ang Tamaraws ay umangat sa 6-6 win-loss slate at kailangan nilang ipanalo ang huling dalawang laro kontra sa UST Tigers bukas at sa NU Bulldogs sa September 15 upang makakuha ng slot sa semis.
Inihatid ni Rysal Castro ang Far Eastern sa panigurong 72-67 kalamangan, 35 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Pinangunahan ni Castro ang Tamaraws sa kanyang tinapos na 13 puntos na sinundan ni Zablan ng 12-puntos.
Pinangunahan naman ni Reinell Catabay ang Adamson sa pagkopo ng 17 puntos na sinuportahan naman 14-puntos ni Abadia.
Nakalapit ang Adamson sa 51-52 sa kaagahan ng fourth quarter bago muling kumawala ang FEU sa 60-53.
Sa junors division, patuloy na pinangungunahan ng Ateneo Blue Eaglets ang seven-team field nang kanilang igupo ang Adamson Baby Falcons sa 61-46 upang ibandera ang 8-1 record.
Umangat naman ang La Salle Bengals sa ikalawang puwesto taglay ang 8-2 record matapos ang 74-60 panalo kontra sa UST Tiger Cubs.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended