Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang Filipino sportsman sa katauhan ni Arroyo ang magbibigay parangal sa mga atleta bago lumahok sa nasabing biennial meet na magbubukas sa Sabado.
"This is going to inspire our athletes in thier bid to win honor and glory," wika ni RP delegation chief of mission Godofredo Jalasco hinggil sa nasabing affair. "With no less than the First gentleman honoring them, the athletes will realize that the whole country is behind them."
Mahigit sa 300 atleta ang magdadala sa bandila ng bansa, ngunit ang mga lalahok lamang sa mga events na nakatakda dito ang siya lamang dadalo sa nasabing pagtitipon kasama sina Ambassador Jose Brillantes, Congressman Monico Puentevella, Philippine Olympic Committee president Celso L. Dayrit, Philippine Sports Commission chair Carlos D. Tuason at Presidential son Jose Miguel Arroyo.
Sasabak sa aksiyon ang Philippines sa 30 events, ngunit walo dito ang lalaruin sa Penang at Johor Bahru. Gaganapin sa Penang ang wushu, squash, bowling at pencak silat, habang ang taekwondo, archery, weighlifting at judo ay dadako naman sa Johor Bahru.
Ang iba pang events na sasalihan ng atletrang Pinoy dito ay ang swimming, diving, water polo, athletics, womens football, golf, gymnastics, karatedo, lawn bowls, rowing , sailing, sepak takraw, shooting, table tennis, tennis at volleyball.
Dumating dito si Mr. Arroyo kamakalawa ng gabi kasama ang mga atleta mula sa billiards and snooker, boxing, fencing, rowing, table tennis, badminton, basketball at tennis.
Samantala, idaraos ang flag-raising ceremony sa alas-8:30 ng umaga ngayon sa National Stadium kasama ni Jalasco ang 20 atleta na kakatawan sa bansa.
Hindi pa alam ni Jalasco ang mga pangalan ng mga atleta na kanyang isasama sa parada at sinabi nitong , "I plan to pick athletes from the different teams which are already here."