21st SEA Games; Pinoy booters yuko sa Thailand
September 6, 2001 | 12:00am
KUALA LUMPUR - Agad na nalasap ng Philippine womens football ang kanilang kabiguan sa pagbubukas ng hostilidad ng footbal event ng 21st Southeast Asian Games nang yumukod sa defending champion Thailand noong Martes dito.
Makaraang maglabas ng agresibong performance sa unang 10 minuto ng labanan, nagsimula ng kumulapso ang Filipina booters nang kumana ang Thais ng unang goal sa pamamagitan ng penalty kick sa 13th minute.
"Everything went downhill after that. My players became unsettled. We tried to get back in the second half but the damage had been done," ani head coach Marlon Maro. "I would like to apologize to our countrymen that we started out this way."
Ayon pa kay Maro, posibleng magbago ang takbo ng laro ng kanyang mga bata kung nakauna lamang silang umiskor kung saan pawang sumablay ang tangka nina Brenda Gayagoy, Rachel delos Reyes at Michaela Martinez.
"We will try to play our hearts out when we take on Myanmar tomorrow to stay in contention," wika pa ni Maro hinggil sa kanilang nakatakdang krusiyal na laban kontra sa Burmese sa alas-6 ng gabi ngayon.
Sumandig naman ang Myanmar sa hattrick ng star striker na si Mar Lin Win upang igupo ang Malaysia, 5-1 sa isa pang laro sa Group A match.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended