Nagtulong-tulong sina Francis Aquino, Dave Bautista at rookie Ramil Ferma sa ikaapat na quarter upang makopo ng Patriots ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa gayunding dami ng laro at hiyain ang Gems sa kanilang debut game.
Angat sa 43-16 ang Patriots nang tila nabuhusan ng malamig na tubig ang Nueva Ecija sa ikatlong quarter na nagbigay ng pagkakataon sa Gems na naglarong may 8-players lamang, na makalapit sa 66-64.
Sa likod ng nakakadismayang freethrow shooting ng Gems, nakabangon ito sa 66-64 nang umatake sina Carlos Sayon at Chris de Jesus.
Bagamat umiskor lamang ng 7 sa 20 charities ang Gems sa ikatlong quarter, nakalapit ang Cebu sa 67-64 ngunit nauwi lamang ito sa wala nang hindi nila masustinahan ang kanilang pagbangon.
Tumapos si Aquino na may 20-puntos, 7-rebounds, 3 assists, 2-steals para mapiling best player of the game.
Huling nagbanta ang Gems sa 80-78 sa triple ni Al Solis ngunit mabilis namang nakabawi ang Nueva Ecija nang kumana si Aquino ng tres upang pigilan ang pag-aaklas ng Cebu.