RP pugs handang-handa na para sa SEAG

Nasa kasagsagan na ngayon ang preparasyong isinasagawa ng boxing team dahil malapit na ang Southeast Asian Games (SEA)na gaganapin sa Kuala Lumpur ,Malaysia sa September 7-18.

Sa tulong ng Caltex Philippines, marami nang nilahukang international tournaments ang mga Pinoy pugs para sa kanilang kinakailangang exposure at experience.

Ipinakita ng koponan ang kanilang kahandaang muling magtagumpay sa Kuala Lumpur sa pamamagitan ng kanilang impresibong performance sa Cordova Cardin Cup at sa Roberto Balado Cup.

Ang rookie flyweight na sina Violito Payla ay ang tinanghal na best foreign boxer sa Roberto Balado Cup.

Nakibahagi din ang mga boxers sa Acropolis Amateur Boxing Championships sa Athens kung saan naka-gold sina light flyweight Lhyven Salazar at flyweight Rene Villaluz habang sina bantamweight Ferdie Gamo at welterweight David Gopong ay naka-silver at bronze ayon sa pagkaka-sunod.

Nakilahok din ang RP squad sa World Amateur Boxing championships kung saan naka-silver si light flyweight Harry Tanamor gayundin sa King’s Cup sa Thailand kung saan may silver medal si light flyweight Juanito Magliquian.

"Their participation in various international competitions has prepared the boys well for the SEA Games. They’ve shown that they can match up the best boxing talents in the world," pahayag ni ABAP president Manny Lopez.

Show comments