Ang batam-batang si Villamor, na sa edad na 22 anyos ay nagsimula na ang professional career ay may kabuuang 20 laban kung saan may rekord itong 13 panalo at 7 talo habang ang beteranong si Magramo naman, 30 anyos ay nagsimula mag-pro-boxing noong 1990 ay may mahigit 50 laban sa record na 34 wins at may 17 knockouts.
Sa huling pagtatagpo ng dalawa, naagaw ni Villamor ang korona kay Magramo via split decision noong Hulyo 14, 2001.
At kahit na mas may karanasan sa ring si Magramo hindi nawalan ng loob si Villamor na naging daan para makamit ang korona.
Ngunit hindi doon natapos ang lahat. Nais ni Magramo na makabawi at muling mapasakamay ang titulong hinawakan.
Samantala, bukod sa Villamor-Magramo bout, nakatakda ring magharap sina Philippine Superfly-weight champion Joel Avila at Philippine number 4 superflyweight contender Marlon Castañeda at magtutunggali naman sina Jhunver Halog at Efren Papangue para sa isang non-title 10 round match.
May inihandang 68 rounds ng umaatikabong bakbakan na inihanda ni boxing promoter Gabriel "Bebot" Elorde Jr., sa pamamagitan ng Elorde International Productions Ringside @ Elorde.