77th NCAA Basketball: Blazers nakaganti sa Cardina
August 31, 2001 | 12:00am
Kumawala ang defending champion College of St. Benilde sa final half upang maipalasap ang kanilang paghihiganti sa Mapua Institute of Technology sa pamamagitan ng 70-61 panalo at palakasin ang kanilang kampanya para sa Final Four ng 77th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Isinalba ni Jon-Dan Salvador ang kampanya ng Blazers nang pangu-nahan nito ang opensa sa pagkana ng 14 puntos, bukod pa ang 10 rebounds at dalawang assists, bago nakakuha rin siya ng malaking suporta mula kay Sunday Salvacion na tumapos ng 13 puntos na kinabibilangan ng dalawang tres at anim na rebounds upang ihatid ang Blazers sa ikaapat na puwesto matapos ang kanilang ikalimang panalo sa 10 games.
Kontrolado ng St. Benilde ang tempo kung saan huling lumamang ang Mapua sa 44-43 .
Ang tagumpay ng Blazers ay dinuplika ng kanilang junior counterpart na Greenhills Blazers nang kanilang pabagsakin ang Red Robins, 69-67. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended