^

PSN Palaro

Para magkaroon ng basketball team sa SEAG, desisyo

-
Bago tumulak ng Malaysia para makilahok sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur na gaganapin sa September 8-17, dumalaw ang 352 atleta sa Malakanyang upang makipagkita sa Pangulong Arroyo kung saan isinagawa ang pagtu-turn-over ng simbolikong ‘Tree of Hope and Triump’ ng Pangulo sa delegasyon.

Nakipagkita si Philippine Sports Commission chairman Carlos Tuason at PSC Commissioner Cynthia Carreon sa Pangulo upang ibigay ang ulat ng Task Force ng PSC at Philippine Olympic Committee para sa biennial meet.

Napag-usapan ang ilang mahahalagang isyu sa sports at nagbigay naman ng komento ang Pangulo tungkol sa mga sumusunod.

Ukol sa isyu sa basketball Association of the Philippines, sinabi ng Pangulo na mas mabuti kung igagalang na lamang ang desisyon ng Court of Appeals na nag-basura sa mga isinampang kaso ni Tiny Literal kaya’t ang kinikilalang pangulo ng BAP ay si Lito Puyat.

"Let’s just follow what the Court of Appeals decision. What is important is for us to have a team (sa SEA Games)," wika ng Pangulo.

Sinabi ni Tuason na inaasahang maaayos na ang agawan ng dalawang paksiyon sa liderato ng BAP sa Lunes na maaaring makaka-pag-alis ng pagsususpindi ng FIBA sanhi ng pagkaka-ban ng Pilipinas sa naunang international competition kabilang na ang SEA Games.

Ukol naman sa insentibong ibibigay ng Malakanyang para sa mga makakagintong medalya sa SEAG, sinabi ng Pangulo na mas malaki ang kanilang makukuha sa pamahalaan kaysa sa ibibigay ng PSC "They’ll get something over and above what the PSC will give," ani pa ng Pangulo."I can’t tell the exact amount for sure it is a six figure.

Ang PSC ay magka-kaloob ng P100,000 para sa gold medalist, ngunit ito’y pinagsisikapan pang mapalaki ng ahensiya.

Kabilang sa mga nagpakitang atleta sa Pangulo ay ang MBA selection para sa basketball team, ngunit maaari pang mapalitan ang naturang team pagdating ng managers meeting bago magsimula ang kompetisyon sa SEAG.(Ulat ni Carmela Ochoa)

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CARLOS TUASON

CARMELA OCHOA

COMMISSIONER CYNTHIA CARREON

COURT OF APPEALS

KUALA LUMPUR

LITO PUYAT

MALAKANYANG

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with