Susuportahan ng RP squad na sponsored ng Pacific Concrete and Asphalt Mix at ALI Sportswear sa tulong ng Philippine Sports Commission, si Martinez na nakatakdang sumabak sa isang Chinese opponent.
Pinabagsak ni Martinez si H M M Herath ng Sri Lanka sa pamamagitan ng Referee Stopped Contest, 1:30 ang oras sa unang round upang makausad sa finals kung saan nakataya ang gold medal.
Ang mga bronze medals ay nagmula kina lightweight Rosie Villarito, 17-anyos na si Alice Kate Aparri ng St. Louis University sa Baguio, bantamweight Ana Cruz at ang pinakabatang boxer na si Jeuveliet Chilom ng Bonifacio High School sa Baguio.
Sa isang overseas call ni ABAP president Manuel Lopez binigyan nito ng word of encouragement si Martinez, tubong Bago City na dating shotput artist na pinakawalan lamang ang kanyang slot sa SEA Games para sumali sa boxing.
Sinabihan din ni Lopez sina Roel Velasco at Glicerio Catolico Jr., mga dating national boxers na ngayon ay coach ng womens team, na pagtuunan ng pansin si Martinez at bigyan ng espesyal na training.
Samantala, inamin ni AIBA president Anwar Chowdry ng Pakistan na nagkakaroon ng dayaan sa paggamit ng computerized scoring lalo na sa mga magagaling na judges ngunit sinabi nitong ginagawa niyang lahat para maalis ito.