^

PSN Palaro

1st Asian Women's Boxing Championship: Gintong med

-
BANGKAPI Mall, Bangkok - Apat na bronze medal ang pasalubong ng kauna-unahang women’s boxing team ng Philippines mula sa First Asian Women’s Boxing Championships ngunit umaasang mada-dagdagan ito ng gintong medalya na manggagaling sa police desk officer Mitchelle Martinez.

Susuportahan ng RP squad na sponsored ng Pacific Concrete and Asphalt Mix at ALI Sportswear sa tulong ng Philippine Sports Commission, si Martinez na nakatakdang sumabak sa isang Chinese opponent.

Pinabagsak ni Martinez si H M M Herath ng Sri Lanka sa pamamagitan ng Referee Stopped Contest, 1:30 ang oras sa unang round upang makausad sa finals kung saan nakataya ang gold medal.

Ang mga bronze medals ay nagmula kina lightweight Rosie Villarito, 17-anyos na si Alice Kate Aparri ng St. Louis University sa Baguio, bantamweight Ana Cruz at ang pinakabatang boxer na si Jeuveliet Chilom ng Bonifacio High School sa Baguio.

Sa isang overseas call ni ABAP president Manuel Lopez binigyan nito ng word of encouragement si Martinez, tubong Bago City na dating shotput artist na pinakawalan lamang ang kanyang slot sa SEA Games para sumali sa boxing.

Sinabihan din ni Lopez sina Roel Velasco at Glicerio Catolico Jr., mga dating national boxers na ngayon ay coach ng women’s team, na pagtuunan ng pansin si Martinez at bigyan ng espesyal na training.

Samantala, inamin ni AIBA president Anwar Chowdry ng Pakistan na nagkakaroon ng dayaan sa paggamit ng computerized scoring lalo na sa mga magagaling na judges ngunit sinabi nitong ginagawa niyang lahat para maalis ito.

vuukle comment

ALICE KATE APARRI

ANA CRUZ

ANWAR CHOWDRY

BAGO CITY

BONIFACIO HIGH SCHOOL

BOXING CHAMPIONSHIPS

FIRST ASIAN WOMEN

GLICERIO CATOLICO JR.

H M M HERATH

JEUVELIET CHILOM

MANUEL LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with