Villamor kontra Magramo

Sa ikalawang pagkakataon, muling magsasagupa sina Anthony Villamor, ang kasalukuyang Philippine flyweight champion at ang beteranong si Melvin Magramo ngayong Setyembre.

Matatandaan na sa huling paghaharap ng dalawa, nwala sa mga kamay ni Mag-ramo ang titulo makaarang agawin ng batam-batang si Villamor sa pamamagitan ng split decision.

At ngayong Setyembre, umaasa si Magramo na sa kanilang paghaharap ni Villa-mor ay muling mapapasakamay ang korona.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Sabado sa Elorde Sports Complex sa Parañaque na handog ng kilalang boxing promoter Gabriel "Bebot" Elorde Jr., sa pakikipagtulungan ng Casino Filipino-Parañaque kung saan ang boxing tickets ay maaaring ipagpalit ng equivalent bonus bet certificate sa concierge section.

Show comments