^

PSN Palaro

Chinese-Taipei nanalasa

-
SUBIC, Olongapo, Zambales - Sa wakas ay nakisama ang panahon sa Pan Pacific Junior Baseball championships nang mag-pakitang gilas ang Chinese-Taipei sa pagtatala ng dalawang sunod na panalo kahapon sa Subic Bay Me-tropolitan Authority (SBMA) baseball grounds dito.

Agad nanalasa ang mga Taiwanese matapos itigil ang kanilang laro noong Linggo dahil sa malakas na ulan, nang kanilang blangkuhin ang Japan 5-0 na kanilang sinundan ng 9-4 pamamayani kontra sa host Philippines.

Ito ang nagkaloob sa mga Taiwanese ng solong pamumuno sa torneong ito na inorganisa ng Philippine Pony Baseball/Softball Association-president Rodolfo "Boy" Tingzon, Jr.

Pinagbidahan ni Bien Jan ang unang panalo ng Chinese-Taipei sa kanyang no-hitter na sumira sa mga tirador ng Japan na kinatawan ng All-Japan Baseball League champion Chiba sa event na ito.

Sa likod ng nalasap na pagkatalo, maipagmamalaki naman ng RP Team na kinatawan ng Laguna baseball squad, ang kanilang 6-1 pamamayani kontra sa Singapore kung saan ang pitcher na si Sandy Cirillo at leftfielder Rico Viduya ang naging bayani.

Si Cirillo ay may three-hitter job sa limang innings habang si Viduya ay may dala-wang RBI (Runs-Batted-In) single na tumapos sa three-run rampage sa itaas ng ika- 5 inning na dumiskaril sa Singapore.

Bumawi din ang Japan sa kanilang pagkatalo sa Chinese-Taipei nang kanila ring biktimahin ang Singapore sa pamamagitan ng 7-1 panalo kung saan nag-debut ang pinakamahusay na pitcher ng Japan na si Sohei Ogawa.

Hangad ng Taiwan na ma-sweep ang kanilang elimination round games sa kanilang pakikipagharap sa Singapore (0-2) habang susubukan naman ng RP Squad ang lakas ng Japan ngayong hapon.

ALL-JAPAN BASEBALL LEAGUE

BIEN JAN

CHINESE-TAIPEI

KANILANG

PAN PACIFIC JUNIOR BASEBALL

PHILIPPINE PONY BASEBALL

RICO VIDUYA

SANDY CIRILLO

SI CIRILLO

SOFTBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with