^

PSN Palaro

DLSU, gagawa ng hakbang kung ...

-
Kung negatibo ang magiging desisyon ng UAAP Board sa kaso ng rookie Fil-Am na si Mark Cardona ay nakahandang magsagawa ng hakbang ang De La Salle University laban sa liga.

Nagbanta ang UAAP Board na sakaling mapatunayan na ineligible si Cardona ay di lamang mapapatalsik ito sa paglalaro kundi ibabasura din ang siyam na panalo nang nakolekta ng defending champions.

Ito ang ipinabatid ni Atty. Roy Ventura na kumakatawan ng La Salle sa isang press conference na isinagawa kahapon sa Cafe Adriatico sa Malate.

"If there is that intension that Cardona will therefore be considered as not eligible to play and La Salle’s nine wins will be forfeited, we will definitely make a move," pahayag ni Ventura.

Dalawang taon at tatlong buwan na nag-aral si Cardona sa Carson High School sa California, USA noong Setyembre 1996 hanggang Hunyo 1997, Setyembre 1997 hanggang Hunyo 1998 at Setyembre 1998 hanggang Disyembre 1998 at ito ay pinatunayan ng La Salle sa kanilang ipinakitang transcript of records.

"This document is genuine and authentic. Theres no reason at all for La Salle to fabricate this document," sabi ni Ventura bilang tugon sa alegasyon ng University of the Philippines na dinoktor lamang ang mga naturang dokumento.

"There’s no reason at all for La Salle to fabricate this document. It’s really illegal, it’s not correct and it’s not lawful," dagdag pa ni Ventura na nais makakuha ng kopya ng school records ni Cardona.

Noong Agosto 24, sa isang special meeting, nakakuha ng 6-1 boto ang interpretasyon sa eligibility rule na ang dalawang taon at isang araw na pag-aaral ng isang manlalaro sa pinagmulang foreign school ay ikukunsidera nang tatlong taon.

"It’s only now that they made an interpretation, now that we are in the second round and for all indications, La Salle is leading the tournament," ani Ventura. "They cannot take the present rule, interpret it to mean differently, then use it retrospectively to declare Cardona ineligible," ani DLSU president Bro. Rolando Cardona FSC. "This is legally incorrect and morally injust."

Kinukuwestiyon din ang pagpayag ng screening committee na makalaro sa Green Archers si Cardona na nag-aral sa Isaac Lopez Elementary School sa Mandaluyong City ngunit ngayon ay iniimbestigahan ang kanyang eligibility.

CAFE ADRIATICO

CARDONA

CARSON HIGH SCHOOL

DE LA SALLE UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

HUNYO

LA SALLE

SETYEMBRE

VENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with