Ito ay sina Mark Jones ng Barangay Ginebra, Askia Jones (hindi kapatid) ng Shell Velocity, Brandon Williams ng Mobiline Phone Pals at Rossel Ellis ng Pop Cola na kikilalanin na ngayong Swift Panthers.
Pangungunahan naman ni Derrick Brown ng Purefoods, ang best import ng third conference noong nakaraang taon, ang mga balik imports para sa kumperensiyang ito na may height limit na 6-foot-4.
Bukod kay Brown ang mga magbabalik-PBA pang iba ay sina Rey Tutt ng Commissioners Cup champions na Batang Red Bull na inaasahang matutularan ang serbisyong naibigay ni Antonio Lang na naging daan sa pagwasak ng Thunder sa dinastiya ng San Miguel.
Pawang mga balik-imports din sina Damian Owens ng Sta. Lucia Realty, Maurice Bell ng Tanduay Gold Rhum, Lamont Strothers ng SMBeer at ang resident import ng Alaska na si Sean Chambers.
Si Mark Jones ay isang beterano ng Continental Basketball Association at itoy galing sa University of Central Florida habang si Askia Jones ay isa namang National Basketball Association veteran.
Si Williams ay nakapaglaro naman sa CBA para sa koponan ng La Crosse kung saan naging top scorer ito noong 1999-2000 at may average na 19.8 puntos sa 46-laro.
Matapos makasama sa nakaraang Commissioners Cup nang pumalit ito sa na-injured na si Ansu Sesay, muling sasandalan ng Realtors si Owens.
Si Ellis ay isa sa pinagpilian ng Mobiline sa nakaraang kumperensiya ngunit hindi ito ang kanilang pinaglaro kayat hindi na ito baguhan sa PBA.
Ngunit may umaalingawngaw na balitang may nakaantabay ang Pop Cola na pamalit kay Ellis gayundin ang Alaska para kay Chambers sakaling pumalpak ang mga ito.
Tiyak na abalang abala na ngayon ang 10-koponan sa Philippine Basketball Association sa paghahanda para sa pagbubukas ng ikatlong kumperensiya, ang Governors Cup
Di pa man natatapos ang Commissioners Cup ay dumating na ang ilang imports dito. (Ulat ni CVOchoa)