Ito ang ikasiyam na sunod na panalo ng Heavy Bombers sa ganoon ding dami ng asignatura na higit pang nagpatatag ng kanilang kapit sa solong liderato, habang nabaon naman ang Dolphins sa ilalim ng standing matapos ang 3-7 kartada.
Gaya ng dapat asahan, muling bumandera si Ernani Epondulan nang kumana ito ng 23 puntos na sinuportahan naman nina Capus at Joel Finuliar na tumapos ng double digits na 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nagpakitanggilas rin sina Capus at Finuliar sa depensa ng kumana ng 11 at 10 rebounds, ayon sa pagkakasunod, bukod pa ang tatlong assists ni Finuliar.
Kontrolado ng JRU ang labanan nang lumayo sila ng maraming beses sa 10 puntos na ang huli ay sa 34-24 sa kalagitnaan ng second quarter, ngunit nagsikap ang Dolphins na maibaba ang trangko sa pagtutulungan ng mga beteranong sina Omar Asmad, Joseph Roque, Nelbert Omolon at Bernzon Franco kung saan nakalapit sila sa 70-72, 3:23 ang nalalabing oras sa final period.
Nauna rito, dinuplika ng Light Bombers ang tagumpay ng kanilang senior counterpart nang kanilang igupo ang Baby Dolphins sa iskor na 70-62. (Ulat ni M. Repizo)