Ang panalong ito ng Blazers, ikaapat sa kanilang siyam na laro ang nagpalakas ng kanilang kampanya na maipagtanggol ang hawak na korona matapos na ipatikim naman sa Altas ang kanilang ikaanim na talo matapos ang apat na panalo sa 10 laro.
Bumandera sa opensa ng Taft-based dribblers sina Sunday Salvacion at Mark Magsumbol na kumana ng tig-15 puntos.
"It was all team effort. The boys played aggressive and put pressure on Chester Tolomia and Gilbert Malabanan," pahayag ni St. Benilde coach Dong Vergeire.
"But the struggle is not yet over. Gusto talaga naming ma-improve ang position namin in this second round, thats why we still have to win as many games as posible," dagdag nito.
Naging tinik sa lalamunan ng Perpetual si Salvacion na pumukol ng 11-puntos sa first half na naghatid sa St. Benilde sa 41-21 kalamangan sa pagsapit ng halftime.
Nakipagsanib naman ng lakas si Tolomia na tumapos ng game-high na 20-puntos bukod pa sa walong rebounds at two-blocks, kay Jason Jensen sa pagbangon ng Altas na nakalapit sa 42-50 sa ikatlong quarter at nang nakisama si Malabanan ay lalo pang lumapit ang Perpetual sa 55-61 sa ikaapat na quarter.
Ngunit naging epektibo naman ang laro nina Magsumbol at Alexander Magpayo na gumanti ng 8-3 run upang muling makalayo ang Blazers sa 69-58, 2:10 ang natitirang oras sa laro.
Nanatiling may tsansa ang Altas ng umiskor ng tres si Tolomia ngunit nalimitahan ang Perpetual sa isang basket habang siniguro ng Blazers ang kanilang tagumpay sa kanilang five-of-six free-throw shooting bago ang buzzer beating shot ni Magsumbol.