Harp mas pinili ng PBAP
August 27, 2001 | 12:00am
Dahil sa pagiging consistent player nito para sa kanyang koponan, napiling PBA Press Corps Most Valuable Player ng katatapos lamang na PBA Commissioners Cup best-of-seven championship series na pinagwagian ng Thunder kontra sa two-time champion San Miguel Beer.
Naungusan ng 6-foot-6 na si Harp, ang Rookie of the Year ng nakaraang taon, ang kanyang mga kasamahang sina Junthy Valenzuela, Lordy Tugade, Ato Agustin at Mick Pennisi gayundin sina Danny Seigle at Danny Ildefonso ng San Miguel Beer.
Pinakamaraming boto ang nakuha ni Harp sa 20 miyembro ng PBAPC na kumober ng mga laro sa finals sa kanyang inaning 79 votes sa 13 first choice nominations, apat na second-choice picks at dalawang third choice picks.
Ang first place nomination ay may katumbas na limang boto, 3-votes para sa second choice at 1-vote para sa third choice.
Ang unang non-San Miguel at non-Alaska player na nanalo ng award sapul nang makuha ito nina Gerry Esplana ng Shell noong l999 All-Filipino Cup, si Harp ay ang tanging local na nag-average ng double figures sa finals para sa Red Bull.
Sa anim na laro sa finals, si Harp ay may 11.2 puntos bawat laro sa kanyang 51.7 shooting, bukod pa sa 7.8 rebounds per game, 2.3 assists at 1.2 shotblocks para sa 4-2 panalo ng Thunder sa serye.
Si Valenzuela na naasahan sa kanyang outside shooting sa series kung saan mayroon itong kabuuang 16-triples ay pumangalawa sa botohan sa kanyang nakuhang 58 votes (7-6-5) habang si Tugade ay may 11 votes (0-3-2), 9 kay Pennisi (0-2-3) at 4 kay Aguntis (0-1-1).
Si Valenzuela ay may average na 9.7 puntos, 3.8 rebounds at 2.5 assists ngunit mayroon itong impresibong 35.6% mula sa three-point range.
Ang four-time Finals MVP na si Seigle ay may 8-votes (0-2-2) habang ang Best Player of the Conference na si Danny Ildefonso ay may isang third choice vote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended