At sa Congressional hearing na kanyang ipinatawag kahapon, nagbigay naman ng concerned si Cebu Rep. Jose Gullas sa hindi maresolbang krisis sa liderato ng dalawang paksiyon na nagbigay ng malaking kahihiyan sa bansa at pananabotahe sa partisipasyon ng Philippine Basketball team sa nalalapit na SEA Games sa Kuala Lumpur.
Ayon kay Literal, nakatakdang dumating sa bansa ang kinatawan ng FIBA sa Set-yembre 5 upang mag-imbestiga sa gulong nangyayari sa liderato ng BAP.
"We should come up with a compromise agreement before the foreigners intrude on our internal affairs. We have become the object of ridicule ever since the FIBA has suspended the BAP. This involves national interest and should be resolved immediately," apela ni Puentevella.
At bilang pagbibigay sa panawagan ni Puentevella sa isang resolution at maayos na ang pag-aagawan sa puwesto sa BAP, pumayag sina Puyat, Literal kasama sina POC President Celso Dayrit na muling umupo ngayon kasama si Chairman sa alas-3 ng hapon sa hindi binanggit na lugar sa Makati na inaasahang magkakasundo na ang dalawa nasabing committee hearing.