^

PSN Palaro

Congressman hinikayat sina Puyat at Literal na mag

-
Hinihikayat ni Rep. Monico Puentevella, Chairman ng House Committee on Youth and Sports ang dalawang nag-aagawan sa pagka-Pangulo ng Basketball Association of the Philippines (BAP) na sina Lito Puyat at Tiny Literal na magkasundo na upang maa-yos ang mga kontrobersiya at malinis ang BAP bago pa man dumating sa bansa ang kinatawan ng FIBA para ayusin ang nasabing isyu.

At sa Congressional hearing na kanyang ipinatawag kahapon, nagbigay naman ng concerned si Cebu Rep. Jose Gullas sa hindi maresolbang krisis sa liderato ng dalawang paksiyon na nagbigay ng malaking kahihiyan sa bansa at pananabotahe sa partisipasyon ng Philippine Basketball team sa nalalapit na SEA Games sa Kuala Lumpur.

Ayon kay Literal, nakatakdang dumating sa bansa ang kinatawan ng FIBA sa Set-yembre 5 upang mag-imbestiga sa gulong nangyayari sa liderato ng BAP.

"We should come up with a compromise agreement before the foreigners intrude on our internal affairs. We have become the object of ridicule ever since the FIBA has suspended the BAP. This involves national interest and should be resolved immediately," apela ni Puentevella.

At bilang pagbibigay sa panawagan ni Puentevella sa isang resolution at maayos na ang pag-aagawan sa puwesto sa BAP, pumayag sina Puyat, Literal kasama sina POC President Celso Dayrit na muling umupo ngayon kasama si Chairman sa alas-3 ng hapon sa hindi binanggit na lugar sa Makati na inaasahang magkakasundo na ang dalawa nasabing committee hearing.

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CEBU REP

HOUSE COMMITTEE

JOSE GULLAS

KUALA LUMPUR

LITO PUYAT

MONICO PUENTEVELLA

PHILIPPINE BASKETBALL

PRESIDENT CELSO DAYRIT

PUENTEVELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with