^

PSN Palaro

Pinoy maagang nabigo sa Asiad Badminton Championsh

-
Nagpamalas ng impresibong performance si Indon Taufik Hidayat nang kanyang itala ang 15-6, 15-8 panalo kontra sa Filipino qualifier na si Lloyd Escoses, kasabay ng pagyukod ng local ladies singles bet na si Kennie Asuncion sa kanyang Taiwanese na karibal sa pagbubukas ng JVC Asian Badminton Championships sa PhilSports Arena kahapon.

Nanaig ang supremidad ng defending men’s singles champion na si Hidayat, tumapos ng No. 1 sa kanyang division sa JVC Asian rankings kontra sa 20-anyos na si Escoses na nangailangan ng dalawang panalo bago siya makarating sa main draw kamakalawa.

Hindi naman nakayanan ng 24-anyos na si Asuncion, kasalukuyang National Open champion na masustinihan ang kanyang 6-2 pangunguna sa second frame ay yumukod ito kay Huang Chia-chin, 9-11, 11-7, 11-2.

Matapos na magawang makipagsabayan sa Taiwanese, nakauna si Asuncion sa first game nang kanyang itala ang 11-9 panalo, ngunit nagsimula rin siyang kapusin nang mula sa 6-2 kalamangan ay di na ito nakakilos pa na siyang sinamantala ng kala-bang beterano ng Sydney Olympics.

"We’re here for the experience and exposure, not necessarily win games considering the world class opposition," ani Asuncion na isinaayos ang kanyang laban matapos na pabagsakin ang Japanese na si Kyoko Komuro, 11-3, 8-11, 11-8.

Ang iba pang RP bets na umusad sa main draw ay sina Rodel Bartolome na nanalo kontra O Man Tong ng Macau, 15-4, 15-2; Jaime Llanes na nanaig kontra Leong Kin Fei ng Macau, 15-4, 15-1 at Arolas Amahit na gumapi sa Cambodian Siphanthan Ling, 15-2, 15-0.

vuukle comment

AROLAS AMAHIT

ASIAN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

ASUNCION

CAMBODIAN SIPHANTHAN LING

HUANG CHIA

INDON TAUFIK HIDAYAT

JAIME LLANES

KENNIE ASUNCION

KYOKO KOMURO

LEONG KIN FEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with