Isang umaatikabong 15-2 bomba ang pinasabog ng Nationals na ti-nampukan ng back-to-back triples ni Biboy Simon ang nag-ahon sa RP-five sa 23-25 deficit tungo sa 38-28 kalamangan.
Mula dito, hindi na nagawa pang makabangon ng Africans kung saan naiposte ng Filipinos ang kanilang ikatlong panalo matapos ang apat na laro at kanilang napalakas ang kanilang tsansa para makapasok sa semifinals ng 10-day tournament na ito na ginaganap bilang pagbibigay parangal sa kauna-unahang FIBAs secretary general.
Ang ikatlong tres ni Simon sa final canto ang nagbigay sa Philippine team na binubuo ng RP Youth squad ng kanilang pinakamalaking kalamangan na 35 puntos, 80-45.