SSC Juniors, kampeon sa Inter-High School Tourney

Nakopo ng junior chessers mula sa San Sebastian College ang kampeonato mata-pos na umiskor ng perpektong limang puntos sa katatapos pa lamang na Philippine Chess Society Inter-High School Team Tournament na ginanap sa Phil. Chess Center sa Quezon City.

Tinalo ng Stags na binubuo nina William Traqueña, Romnick Malabiga, Elexer Eleserio at Alfa Romeo Atienza ang crew ng Ramon Magsaysay-Cubao High School (RMCHS), Rizal High School, Diliman Preparatory School at University of the East-Manila.

Naibulsa naman ng mga kababaihang manlalaro mula sa Rizal High School ang korona nang umiskor ng 2.5 game points sa pagtatapos ng 5-Round Swiss.

Pinangunahan nina Mary Jane Bolando, Cherrylyn Guiang, Vanessa Comploma at Barbielyn Gracia ang pana-nalasa ng Pasig City-based school.

Nanguna naman sa kani-kanilang boards sa boys division sina Traqueña (Board 1), Christian Cagadas ng RMCHS-Team A (Brd. 2), Eleserio (Brd. 3) at Nelson Mariano III (Brd. 4).

Kinilala naman sina NM Homer Cunanan ng SSC at Jun Carreon ng Rizal High bilang best coaches sa isang araw na tourney na sponsored ng PCS.

Show comments