Altas sinopresa ng Dolphins
August 21, 2001 | 12:00am
Naglatag ang host Philippine Christian University ng eksplosibong opensa sa huling maiinit na bahagi ng final canto upang gulantangin ang University of Perpetual Help-Rizal, 74-69 kahapon sa pag-usad ng second elimination ng 77th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Nagpakitang gilas sina Nelbert Omolon, Bernzon Franco nang magtulungan sa 14-5 bomba upang pagtulungang iangat ang Dolphins sa kanilang ikatlong tagumpay matapos ang anim na talo at ipalasap naman sa Altas ang kanilang ikalimang talo matapos ang siyam na asignatura.
Humakot si Omolon ng 17 puntos, bukod pa ang paghatak ng pitong rebounds at anim na steals, habang nagdagdag naman si Franco ng 13 puntos at siyam na rebounds upang supilin ang tangkang pagbangon ng UPHR sa huling segundo ng labanan.
"May chemistry yung dalawa. So nung pinagsabay ko sila sa final quarter, alam kong mai-intimidate yung kalaban. Nag-click naman yung plano and we benefitted a lot from their (UPHRs) foul troubles," wika ng guro ng Dolphins na si Kevin Ramos.
Nagsimulang gumana ang mga kamay nina Franco at Omolon sa pagpasok ng third canto nang makipagtulungan kay Ryan Agahan na kumana naman ng triples upang umahon sa 53-54 deficit at agawin ang trangko sa 67-59 may 4:42 ang nalalabing oras.
Hindi pa rin nawalan ng loob ang UPHR at pinagsikapan nina Gilbert Malabanan at Ralfy Ibrahim na ilapit ang iskor sa 66-69, 2:11 na lamang sa naturang quarter.
Ngunit hindi pumayag sina Omolon at Franco at mabilis ding sinagot ang basket ng Altas sa pamamagitan ng free throw line.
Nagsalpak ang Dolphins ng limang free throws mula sa walong tangka upang itala ang 74-67 kalamangan na siya nilang naging puhunan sa kanilang panalo.
Nauwi sa wala ang pinag-pagurang 33 puntos at 10 rebounds ni Malabanan, gayun-din ang 12 puntos at 11 rebounds na idinagdag ni Tolomia ng di nila madala sa panalo ang Altas.
Hindi rin nagpahuli ang junior counterpart ng Dolphins nang pataubin naman ang Altalletes, 85-60. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am