^

PSN Palaro

RP-5 yukod sa Chinese-Taipei sa 24th William Jones

-
TAIWAN, Kaohsiung County--Bumigay ang depensa ng Philippine team sa Chinese-Taipei upang malasap ang 79-84 pagkatalo sa pagpapatuloy ng 24th William Jones Cup sa Feng Sheng Stadium dito noong Sabado ng gabi.

Nabigo ang Filipinos na madugtungan ang kanilang 82-72 upset sa opening day kontra sa Canadians nang agad na maiwanan sa unang bahagi ng laro.

Huli na ng umabante ang Philippines sa 76-73 sa huling dalawang minuto ng laro nang hindi magawang makasagot ng Pinoys sa Taiwanese hotshots na si Yu Ming Yang na kumana ng limang puntos na tinampukan ng triples upang pamunuan ang 11-3 salvo na siya nilang naging tuntungan sa panalo.

"It was a very close game up to the last minute, that’s why I’m very proud of the boys, especially Chris (Clay) and Ranidel (De Ocampo) who played exceptionally well," ani team manager Jojo Lavina.

Humakot si Clay ng 34 puntos, habang tumirada naman si De Ocampo, ang nakababatang kapatid ng RP Youth standout na si Yancy ng 21 puntos upang pamunuan ang RP-five na nagtala ng 1-1 win-loss slate.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan namang nakikipagbanatan ang mga Pinoy kontra sa Mongolia, ang koponan na kinukunsiderang darkhorse sa eight-team tournament na ginaganap bilang pagbibigay parangal sa FIBA’s first secretary general. Ang Mongolia ang pinagmulan ng mga Chinese national team standouts na si Menk Batere at Adiljan.

Nagpakitang gilas sa Chinese Taipei si Yu na nagposte ng 17 puntos.

ADILJAN

ANG MONGOLIA

CHINESE TAIPEI

DE OCAMPO

FENG SHENG STADIUM

JOJO LAVINA

KAOHSIUNG COUNTY

MENK BATERE

WILLIAM JONES CUP

YU MING YANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with