Ang panalo ngayon ng Slashers sa kanilang pang-alas-5 ng hapong sultada ang magsisiguro sa kanilang magbabalik sa sariling homecourt ang best-of-five playoff kahit na ma-sweep pa ng Knights ang Game Three at Four sa San Juan Gym.
Batid ni Negros mentor Robert Sison na ang kanilang 93-75 panalo sa San Juan sa Game One noong Biyernes ay posibleng maging mahirap dahil siguradong determinado ang Knights na makakuha man lamang ng isang panalo sa kanilang unang dalawang laro.
Gayunman, sinabi ni Sison na nakahanda ang kanyang tropa na makipagsabayan sa intensidad ng laro ng Knights.
Isa sa magpapataas ng morale ng Slashers ay ang pagbabalik aksiyon ng power leaper na si Leo Bat-Og na pinatawan ng one game suspension bunga ng punching foul nito kay Willie Mejia ng Cebuana Lhuillier sa semifinals.
Sa parte naman ng Knights, di rin makakalaro si Danny Capobres na binigyan ng one-game suspension at pinagmulta ng P10,000 bunga ng tatlong pagkakasala sa Game One.
Tinira ni Capobres sa ulo si John Ferriols habang nagdi-dribble, gayundin ang mga hita ni Egay Ignacio at ang bayolenteng pagtulak kay Reynel Hugnatan.
Hindi rin nakaligtas si Cid White ng Negros na pinatawan rin ng multang P5,000 matapos ang kanyang pananakit kay Rafi Reavis ng San Juan.