^

PSN Palaro

MBA First Phase: Krusiyal na panalo aasintahin ng Negros vs Knights

-
Aasintahin ng Negros Slashers ang kanilang krusiyal na ikalawang sunod na panalo kontra sa Andok’s San Juan Knights sa kanilang MBA First Phase title series sa University of St. La Salle Gym dito ngayon.

Ang panalo ngayon ng Slashers sa kanilang pang-alas-5 ng hapong sultada ang magsisiguro sa kanilang magbabalik sa sariling homecourt ang best-of-five playoff kahit na ma-sweep pa ng Knights ang Game Three at Four sa San Juan Gym.

Batid ni Negros mentor Robert Sison na ang kanilang 93-75 panalo sa San Juan sa Game One noong Biyernes ay posibleng maging mahirap dahil siguradong determinado ang Knights na makakuha man lamang ng isang panalo sa kanilang unang dalawang laro.

Gayunman, sinabi ni Sison na nakahanda ang kanyang tropa na makipagsabayan sa intensidad ng laro ng Knights.

Isa sa magpapataas ng morale ng Slashers ay ang pagbabalik aksiyon ng power leaper na si Leo Bat-Og na pinatawan ng one game suspension bunga ng punching foul nito kay Willie Mejia ng Cebuana Lhuillier sa semifinals.

Sa parte naman ng Knights, di rin makakalaro si Danny Capobres na binigyan ng one-game suspension at pinagmulta ng P10,000 bunga ng tatlong pagkakasala sa Game One.

Tinira ni Capobres sa ulo si John Ferriols habang nagdi-dribble, gayundin ang mga hita ni Egay Ignacio at ang bayolenteng pagtulak kay Reynel Hugnatan.

Hindi rin nakaligtas si Cid White ng Negros na pinatawan rin ng multang P5,000 matapos ang kanyang pananakit kay Rafi Reavis ng San Juan.

CEBUANA LHUILLIER

CID WHITE

DANNY CAPOBRES

EGAY IGNACIO

FIRST PHASE

GAME ONE

GAME THREE

JOHN FERRIOLS

LEO BAT-OG

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with