Jones Cup: Canada bagsak sa Pinoy

TAIWAN, Kaohsiung Country--Isang malaking panalo ang itinala ng Philippine team nang kanilang yanigin ang Canada, 82-72 upang mainit na buksan ang kanilang kampanya sa 24th William Jones Cup sa Feng Sheng Stadium dito noong Biyernes ng gabi.

Binanderahan ni Chris Clay ang Filipinos sa kanyang pagkana ng 20 puntos, ngunit mas nagsilbing bayani ng labanan ang pananalasa nina Richard Melencio at Biboy Simon na gumawa ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod sa mga krusiyal na bahagi ng laba-nan na sinabayan pa ng mahigpit na depensa ni Christian Nicdao sa shooter ng Canada na si Keith Bustard.

Hindi nagawang makasagot ng Canadians sa pananalsa nina Clay at Flowers nang kanilang ihatid ang RP team sa maagang 41-31 kalama-ngan sa halftime.

Naging isang malaking banta ang Canadians sa pagbubukas ng third canto nang kumana agad ng anim na sunod na puntos na tinampukan ng back-to-back triples ni Bustard ang naglapit sa Canadians sa 57-58.

Susunod na makakaharap ng RP-five ang Mongolia.

Show comments