Ito ang ikalimang sunod na taon na ang Japanese electronic giant ang siyang magiging chief backer ng premier badminton event sa region hindi lang para i-promote at i-develope ang sport kungdi upang mabigyan ang mga Asian players ng venue na maipamalas ang kani-kanilang talento at kakayahan.
At sa susunod na linggo, makakasaksi ang mga local fans ng world class badminton kung saan maglalaban-laban ang mga mahuhusay na manlalaro ng rehiyon para sa karangalan ng limang divisions itoy ang mens at ladies singles, mens at ladies doubles at mixed doubles.
Nakataya sa mens singles ang $11,000 habang $7,500 naman sa kampeon para sa distaff side. May nakalaan naman sa mens doubles na $13,000 at sa ladies doubles at mixed doubles ay tig-$7,500 sa kampeon.
Aabot sa 250 manlalaro mula sa 19 bansa ang magpapakita ng aksiyon sa event na ito.
Ang mga kalahok ay pangungunahan nina No. 1 doubles team Gao Ling at Huang Sui ng China at Sydney Olympics mens double gold medalists Tony Gunawan at Halim Haryanto ng Indonesia.