Ayon pa kay Puentevella, chairman ng House Committee on Youth and Sports na nakatakda siyang makipagkita sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngayon upang iprisinta ang intensiyon ng Bacolod na maging punong abala sa biennial games at kasabay ng pagpupursige sa Iloilo at Cebu Cities bilang co-hosts ng regional sport event.
Sinabi pa ng solon na ang Bacolod City ay mayroong 25-hektaryang Panaad Stadium at Recreational Park, habang ang Cebu ay may sports complex at world-class venues para sa water sports at ang Iloilo City Sports Complex ay nag-host na rin ng ilang national at international sports competitions kung kayat karapat-dapat lamang ang Tri-city na siyang maging punong abala ng naturang biennial meet kung ikukunsidera ang kanilang central location.
Kilala ang Bacolod Cebu at Iloilo sa pagho-host ng maraming ulit ng Palarong Pambansa. Naging venue rin ang Panaad Park Stadium para sa ilang serye ng ASEAN swimming competitions, Asian Fooball Championships at international track and field events. Bukod pa ang pagkakaroon ng direct flight sa Cebu para sa ASEAN destinations.<