Pero ngayon, ang da-lawa ay kasalukuyang kumakampanya para sa Golden Girls sanhi ng kanilang pagiging mag-aaral ng University of Sto. Tomas kung saan hangad ng dalawa na manalo ng world championship o di kayay maduplika ang tinapos ng bansa sa Big League (16-18) category.
At noong Martes, nagtulong ang dalawang nabanggit na manlalaro na ipinagmamalaki ng Barangay Pulongmasle upang trangkuhan ang depensa ng Golden Girls at ihatid sa 1-0 panalo kontra sa host Grand Rapids of Michigan na nagpalakas ng pag-asa ng bansa na makakuha ng isang slot sa finals.
Ang panalong ito ng Big City ang nagligtas sa Golden Girls sa bingit ng kanilang pagkakasibak sa elimination matapos na malasap ang ikalawang sunod na pagkatalo sa mga kamay ng Puerto Rico, 6-3.
Dalawang oras bago dumating dito si coach Filomeno "Boy" Codiñera, nahaharap sa krusiyal na laban ang kanyang bataan sa Puerto Ricans kung saan nagbigay ito ng maikling briefing hinggil sa kanilang kalagayan na ang starting lineup ay inihanda ng kanyang assistant na sina Rolly Malaquit at Jenny de Jesus na hindi nakayanan ng Big City ang matinding hamong ibinigay ng Latin America champions.
At laban naman sa Grand Rapids, hindi na nagdalawang isip si Codi-ñera na muling isabak ang 17-anyos, education sophomore na si Tayag na nagpamalas naman ng impresibong pitching.
Pinangunahan ni Batac ang maningning na depensa ng Golden Girls at di pinaporma ang kalaban.
Sa sumunod na play, pumalo naman ang 17-anyos na si Batac, isang education student din ng UST ng deep center upang makarating sa second mula sa single ng catcher na si Erlinda Pascual at umagaw ng isa pang base mula naman sa hit ng center fielder na si Gedda Valencia.
Mula dito, naresolba na ng Golden Girls ang kanilang problema sa batting na naging sakit nila sa naunang tatlong games, na sinabayan pa ng pagkulapso ng kanilang depensa at sapat na ang isang run na naitala ng Big City para sa kanilang panalo.
Ang kabiguang ito ang kauna-unahang nalasap ng Grand Rapids matapos ang kanilang apat na laro na nagbigay daan naman sa kanilang sister team na defending champion District 2 na masolo ang liderato sa nine-team, one-round robin tournament na ito sanhi ng kanilang 4-0 record.<