MBA First Phase: Do-or-die ng LBC at San Juan

Buhay at kamatayan ang nakataya ngayon sa sagupaan sa pagitan ng LBC Batangas Blades at Andoks’ San Juan Knights sa alas-5 ng hapon na ang mananalo rito ang siyang uusad sa MBA First Phase title series kontra sa naghihintay ng Negros Slashers sa Sentrum De La Salle Lipa.

Unang kinuha ng Knights ang Game One sa iskor na 94-82 sa kanilang balwarte, bago naipuwersa ng Blades ang deciding Game 3 matapos na igiya ang 77-69 panalo sa Game 2.

Halos parehas lamang ang dalawang koponan kung saan nakalalamang ang Blades sa kanilang opensa, pero mas matikas naman ang Knights sa depensa at siguradong ito ang gagawing puhunan ng San Juan para makuha ang huling slot sa finals.

Nasa tropa ng Blades ang apat na mahuhusay na manlalaro na nagtala ng double figures na sina Romel Adducul, Alex Compton, Jeffrey Sanders at Eddie Laure, ngunit ito ay tatapatan naman nina Peter Martin, Stephen Antonio at Chuchu Serrano para idiskaril ang tangka ng Knights.

Show comments