Layunin ng naturang cheer campaign na mabigyan ng moral support ang mga atleta at ito ay isasagawa ng Milo kasama ang Philippine Olympic Committee.
Habang isinasagawa ang campaign na tinaguriang "Sugod Pinoy! Give Your Team A Cheer," bibisitahin ng Milo Energy Teams ang mga pampubliko at pribadong paaralan nationwide upang mamili ng cheer selection activity.
Bibisitahin ng Milo Energy Teams ang paaralan sa Metro Manila, Davao, Cebu, Bacolod, Lipa, Naga, Pampanga, Pangasinan, Baguio at Cagayan de Oro ngayong buwan. Ang selection para sa best cheers ay ibabase sa mga boto ng mga mag-aaral. At sa araw ng aktibidades, ipalalabas ng Milo ang audiovisual presentation para sa proseso ng botohan.
Ang pre-recorded interpretation cheers ay ipi-prisinta ng mga estudyante ng Far Eastern University Cheering Squad. Ang mga cheers na ipi-performed ng mga estudyante ay ibabase sa kani-kanilang ranked na may pamagat na "Mga Pinoy" (sa tono ng Waray-Waray), "Sa Tagumpay" (sa tono ng Bongga Ka Day), "Go, Go, Panalo," (sa tono ng Sitsiritsit), "Pilipino" (sa tono ng Gloria) at "Panahon na Pilipino" (sa tono ng Bonggahan).