^

PSN Palaro

Milo Sea Games Cheers Campaign inilunsad

-
Inilunsad ng Milo, ang Olympic Energy Drink ang Milo Southeast Asian Games Cheers Campaign, isang aktibidades ng mga mag-aaral ng 1,000 paaralan sa buong bansa para pumili ng official cheer bilang suporta sa Philipine team.

Layunin ng naturang cheer campaign na mabigyan ng moral support ang mga atleta at ito ay isasagawa ng Milo kasama ang Philippine Olympic Committee.

Habang isinasagawa ang campaign na tinaguriang "Sugod Pinoy! Give Your Team A Cheer," bibisitahin ng Milo Energy Teams ang mga pampubliko at pribadong paaralan nationwide upang mamili ng cheer selection activity.

Bibisitahin ng Milo Energy Teams ang paaralan sa Metro Manila, Davao, Cebu, Bacolod, Lipa, Naga, Pampanga, Pangasinan, Baguio at Cagayan de Oro ngayong buwan. Ang selection para sa best cheers ay ibabase sa mga boto ng mga mag-aaral. At sa araw ng aktibidades, ipalalabas ng Milo ang audiovisual presentation para sa proseso ng botohan.

Ang pre-recorded interpretation cheers ay ipi-prisinta ng mga estudyante ng Far Eastern University Cheering Squad. Ang mga cheers na ipi-performed ng mga estudyante ay ibabase sa kani-kanilang ranked na may pamagat na "Mga Pinoy" (sa tono ng Waray-Waray), "Sa Tagumpay" (sa tono ng Bongga Ka Day), "Go, Go, Panalo," (sa tono ng Sitsiritsit), "Pilipino" (sa tono ng Gloria) at "Panahon na Pilipino" (sa tono ng Bonggahan).

BONGGA KA DAY

FAR EASTERN UNIVERSITY CHEERING SQUAD

GIVE YOUR TEAM A CHEER

METRO MANILA

MGA PINOY

MILO ENERGY TEAMS

MILO SOUTHEAST ASIAN GAMES CHEERS CAMPAIGN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with