^

PSN Palaro

Titans nalunod sa Navy

-
Muling nagpamalas si Orlando Binarao ng mahusay na pitching nang magbigay ng five-hitter job sa nine-innings upang pamunuan ang Navy at blangkahin ang Titans, 15-0, kasa-bay ng pagpapayukod ng Air Force sa University of the Philippines, 9-2 para manatiling malinis ang kani-kanilang record sa second round ng 12th PABA Presidential Cup tournament sa Rizal Ballpark noong Linggo.

Bukod sa kanyang limang hits, ipinadama rin ng kaliweteng si Binarao ang kanyang husay sa paghawak ng bat nang kumana ng two-run homerun sa ninth inning para manguna sa Sea Dragons sa anim na sunod na panalo at hawakan ang solong pangunguna sa Group A.

Hindi rin nagpahuli ang Airmen nang kanilang talunin ang UAAP champion Maroons nang bumandera si Ramel Placides na nagbigay ng three-hits sa three-inning at sa two-inning bago prinotektahan ni Ernesto Binarao ang kanilang panalo at hawakan ang pangu-nguna sa Group B sanhi ng 6-0 record.

Kailangan na lamang ng Navy at Air Force na maipanalo ang kanilang dalawang nalalabing laro para ma-sweep ang eliminations at isiguro ang kani-kanilang sarili sa semifinal round.

At sa nag-iisang Triple-A (18-under) side event, kinana ng Tot Baseball Selection ang kanilang ikaanim na panalo matapos ang walong laro kontra sa Rizal High sa pamamagitan ng walk-over.

Bunga nito, nakakaseguro na rin ang Tot Baseball Selection na nakatakdang magpakita ng aksiyon sa unang edition ng Pan Pacific Junior Baseball Championship na nakatakda ngayong buwan sa Subic Bay Freeport dahil sa kanilang pangunguna sa 7-team junior cast ng isang slot sa top four semis round.

AIR FORCE

ERNESTO BINARAO

GROUP A

GROUP B

KANILANG

ORLANDO BINARAO

PAN PACIFIC JUNIOR BASEBALL CHAMPIONSHIP

PRESIDENTIAL CUP

RAMEL PLACIDES

TOT BASEBALL SELECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with