^

PSN Palaro

Bagitong Fort Bonifacio team nanalasa

-
Isang babala ang ibinigay ng mga woodpushing mula sa grassroots level makaraang dominahin ng mga chessers mula sa Fort Bonifacio Elementary School (Makati City) at Pineda Elementary School (Pasig City) ang kani-kanilang division noong Linggo sa Grade School Chess Team tilt na ginanap sa Grandmasters’ Cafe.

Humakot ang Fort Bonifacio, bagito pa lamang sa Philippine Chess Society-sponsored competition ng 7.5 puntos sa boys event.

Pumangalawa ang Diliman Preparatory School na may pitong puntos at sumunod ang Guerrero Elementary School.

Sa distaff event, nakopo ng Pineda ang kanilang ikalawang sunod na korona matapos na magtala ng perpektong 10 puntos, habang dalawa pang koponan mula sa Manggahan Elementary School (Team A at B) ang nagtabla sa ikalawang posisyon.

Iniangat nina Jessie Lou at Alvin Jig Boñor ang Makati-based school, habang kumampanya naman sa Pineda sina Theresa Marie Galang at Hazeline Sancho na nagpamalas ng kakaibang talento sa sulungan dahilan upang dominahin ang girls’ team event at board honors.

Ang iba pang nakakuha ng karangalan para sa individual honors sa boys division ay sina San Beda’s Cholo Banawa (Board 1) Ramil Joseph Lalap at Amram Reza Rivas (Board 2).

Naibulsa naman nina Rory Magallanes ng Fort Bonifacio at Jun Carreon ng Pineda ang Best Coaches award.

Samantala, sisimulan sa Agosto 18-19 ang Juniors Active Open at High-School Chess Team Tournament.

Para sa mga interesadong partido, tumawag lamang sa Philippine Chess Center sa 9293583 mula ala-1 hanggang alas-6 ng hapon.

ALVIN JIG BO

AMRAM REZA RIVAS

BEST COACHES

CHOLO BANAWA

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

FORT BONIFACIO

FORT BONIFACIO ELEMENTARY SCHOOL

GRADE SCHOOL CHESS TEAM

PINEDA

SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with