RP-Lakers sali sa Jones Cup
August 14, 2001 | 12:00am
Pinagsamang kabataan at karanasan ang inaasahang babandera sa RP Youth Team na kakatawanin ng Laguna Lakers upang dalhin ang bandera ng bansa sa 24th William Jones Cup na nakatakdang simulan sa Agosto 15-25 sa Taipei.
Bagong dagdag sa koponan sina RP Youth standouts Ranidel de Ocampo, Patrick Tiongco at Rolly Menor upang makasama ng beteranong Lakers team para mabigyan ng mataas na boast ang mga star players na sina Chris Clay, Biboy Simon at Richard Melencio.
Tatayong delegation head si Angelito Alvarez ng koponan na tangkang makapasok man lamang kahit sa semifinals ng prestihiyosong Taipei tournament na idinadaos bilang parangal sa kauna-unahang FIBA secretary general.
Gigiya naman sa RP team si Johnny Tam na nagbigay sa Lakers ng kanilang kauna-unahang kampeonato sa nakalipas na apat na taon sa eight-nation Cheng Zhenggong Cup sa Nanan City, China dalawang taon na ang nakakaraan. Siya ay aasistihan ng beteranong mentor na sina Ching Ching Marcelino at Luis Cadang.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Christian Nicdao, Michael Garcia, Ramon Regidor, Jerome Barbosa at Valentine Domingo kasama si Efren Lavina bilang team manager.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended