^

PSN Palaro

Johnson papalitan?

-
Sa kauna-unahang pagkakataon sa anim na finals, appearances, nakatikim ng pagkatalo si Joseph Uichico sa Game One ng best-of-seven titular showdown nang malasap ng San Miguel Beer ang 80-78 kabiguan sa mga kamay ng Batang Red Bull noong Linggo sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

At para sa isipan ng karamihang supporters ng Beermen, ang pangyayaring ito ay isang masamang pangitain para sa kanila.

At matapos ang kanilang pagkatalo sa serye sa pagbubukas ng Commissioner’s Cup, pinag-usapan ng Beermen na kanilang papalitan na si Nate Johnson bilang import ng San Miguel Beer.

Bagamat si Johnson ang naging instrumento ng Beermen sa kanilang pagtapak sa Finals, may hakahakang siya ay papalitan dahil sa kaagahan ng Game One bagamat na-fouled out sa huling .5 segundo ng labanan, siya ay nagtamo ng sprain dahilan upang hindi siya gaanong makasabay sa reinforcement ng Batang Red Bull na si Antonio Lang, isang lehitimong NBA veteran na naging miyembro ng Duke Blue Devils na nanalo ng U.S. NCAA title sa kaagahan ng 90s.

At napipisil umanong kapalit ay si Terquin Tuva Mott na siyang nakatulong kay Uichico ng kauna-unahang kampeonato bilang guro ng Beermen sa PBA noong 1999 Commissioner’s Cup.

Sa katunayan, bago pa man magsimula ang Finals, may mga ulat na nakatakdang lumipad si Mott upang palitan si Johnson upang makaagapay sa off-guard ng Thunder.

Unang lumaro si Mott sa Mobiline Phone Pals nong 1998, ngunit nakuha ng San Miguel ang rights mula sa Phone Pals kapalit ni Larry Robinson sa sumunod na season.

At sa 20 games na inilaro ni Mott para sa San Miguel, ito ay nagtala ng 23.5 points, 12.9 rebounds, 6.25 assists, 1.32 steals at 1.15 blocked shots. Nagsalpak rin siya ng 24 triples (16.7 percent), 192-of-387 field goals (49.6 percent) at 73-of-108 free throws (67.6 percent).

At sa ilalim ng league rules, maaaring magpalit ng import ang isang koponan patungong Game Seven ng Finals. At ang rules na ito ay puwede lamang gamitin para sa mga import at di sa local players at kailangang manatili ang roster ng koponan hanggang sa elimination round o sa anumang kumperensiya.

Ang pagpapalit ng import ng Beermen ay isang malaking hamon para kay coach Yeng Guiao at sinabi nitong "That’s their (San Miguel’s) prerogative. If Mott comes in, he’ll pose match-up problems because he is taller and heftier than Lang. But I don’t think San Miguel would gamble on Mott at this crucial stage. Mott may be good or better than Johnson, but he might be out of shape and that could be bad for San Miguel."

At sa ilalim ng pangangasiwa ni Uichico, nanalo ang Beermen ng kampeo-nato noong 1999 at 2000 Commissioner’s Cup at sa Governor’s Cup at All-Filipino Cup sa 2001 season at sa kabuuang limang kumperensiya, palaging nanalo ang Beermen sa Game One patungo sa pagbulsa ng korona.(AC Zaldivar)

ALL-FILIPINO CUP

ANTONIO LANG

ARANETA COLISEUM

BATANG RED BULL

BEERMEN

BUT I

DUKE BLUE DEVILS

GAME ONE

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with