^

PSN Palaro

UAAP Basketball: Adamson inilublob ng National University

-
Siniguro ng National University na maging maganda ang kanilang pagtatapos sa first round elimination ng 64th UAAP men’s basketball tournament makaraang itakas ang 84-81 panalo kontra sa Adamson University sa overtime kahapon sa Loyola gym.

Nagsilbing bayani ng sagupaan si Chico Manabat nang kanyang ihatid ang laro sa panibagong extra limang minuto matapos na magsalpak ng tres upang itabla ang iskor sa 71-all, may 5.7 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.

At sa overtime, hindi nagawang sustinahan ng Falcons ang kanilang pundasyon na 78-77, 2:05 ang oras nang magsimula silang kumulapso matapos dumepensa ng mabuti ang Bulldogs na naging dahilan ng kanilang errors.

Lumayo ang NU sa pamamagitan ng paghugot ng mga fouls mula kina Michael Yong, Mark Abadia at Joel Hate kung saan nalimita lamang ang Falcons sa tatlong puntos na dahilan ng kanilang ikapitong dikit na talo.

Binanderahan nina Froiland Baguion at Bryan Tolentino ang Bulldogs sa extra limang minuto nang kumana ng 13 puntos upang ihatid ang NU sa ikatlong puwesto sanhi ng 4-3 record sa likod ng Far Eastern U na may 5-2 karta at lider na defending champion De La Salle Green Archers at Ateneo de Manila U na kapwa nag-iingat ng 6-1 panalo-talo karta.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

BRYAN TOLENTINO

CHICO MANABAT

DE LA SALLE GREEN ARCHERS

FAR EASTERN U

FROILAND BAGUION

JOEL HATE

MANILA U

MARK ABADIA

MICHAEL YONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with