Makakaharap ng Power Boosters ang Gilligans Island sa alas-5 ng hapon sa unang laro, habang magtitipan naman ang Paint Masters at ang Baguio selection sa alas-7 ng gabi.
Lalaro ang Shark na wala ang kanilang tatlong key players na sina Chester Tolomia, Gilbert Malabanan at Rysal Castro na kasalukuyang naglalaro sa NCAA at UAAP tournaments.
Gayunman, nananatiling kumpiyansa si coach Leo Austria dahil sa pagkakaroon niya ng 67 manlalaro na si Irvin Sotto at Rolly Basilides na siyang mangunguna sa frontline na siguradong makakakuha ng suporta mula kina Slam Dunk King Manuel Caceres, Michael Robinson at Warren Ybañez at ang nagbabalik na si Renato Alfor-que.
"Im sure these guys will rise to the challenge. If they were taking the backseat roles during the regular season, this tournament will be their chance to shine and prove themselves equally valuable to the team," pahayag ni Austria.
Sa kabila ng pagkawala naman ni Renren Ritualo, nananatiling intact pa rin ang line-up ng Welcoat at umaasa sila na maaagaw nila ang titulo mula sa PBL-Athletes Haven Cup champion Blu Detergent na nakatakdang magpakita ng aksiyon sa Martes.
Babanderahan ni PBL Chairmans Cup MVP Jojo Manalo ang opensa ng Welcoat Paints kasama sina Brixter Encarnacion, Eugene Tan at ang twin-tower combination nina 68 Yancy de Ocampo at 69 Frederick Canlas.