^

PSN Palaro

Finals asam ng San Juan Knights at Negros Slashers

-
Puntirya ng San Juan at Negros na maisaayos ang kanilang titular showdown sa MBA First Phase sa nakatakda nilang magkahiwalay na laban ngayon.

Makakaharap ng San Juan Knights ang LBC Batangas Blades sa alas-3 ng hapon sa San Juan Gym, habang sa Cebu City Coliseum, magha-harap naman ang Cebuana Lhuillier Gems at Negros Slashers sa

alas-5:30 ng hapon sa kani-kanilang best-of-three semifinals series.

Kapwa nakalapit ang Knights at Slashers sa finals matapos na igupo ang Blades at ang Gems sa pagbubukas ng kanilang serye noong Biyernes.

Unang tinalo ng San Juan ang Batangas, 94-82 sa Sentrum De La Salle Lipa, bago niyanig naman ng Negros ang Cebuana, 102-91 sa University of St. La Salle Gym na naghatid sa kanila ng 1-0 kalama-ngan sa serye.

Siguradong nasa mga kamay ng Slashers at Knights ang momentum kung kaya’t siguradong madali nilang malulusutan ang nakatakdang asignatura ngayon.

Muling sasandig si coach Philip Cezar sa balikat nina Chito Victolero, Bruce Dacia, Chris Calaguio, Omanzie Rodriguez, Rafi Reavis at Gilbert Castillo upang isulong sa panalo ang San Juan.

BATANGAS BLADES

BRUCE DACIA

CEBU CITY COLISEUM

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CHITO VICTOLERO

CHRIS CALAGUIO

FIRST PHASE

GILBERT CASTILLO

NEGROS SLASHERS

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with