Pumukol ng dalawang tres si Oreta ang nag-ahon sa UST Golden Tigers sa 66-61 kalamangan patungong 1:20 oras ng labanan mata-pos mabaon sa 60-61 na kanilang naging tuntungan sa ikalawang pa-nalo sa kabuuang 6 laro.
Nanatiling palaban ang Maroons matapos makalapit sa 63-66 nang parehong maipasok ni Michael Bravo ang dalawang free throws mula sa foul ni Deric Hubalde, 1:08 ang oras ng laro.
Nagkaroon ng tsansa ang Maroons na posibleng maagaw ang tagumpay matapos magmintis ang tres ni Oreta, ngunit nasayang naman ang posesyon ng Maroons nang mabitiwan nito ang bola sanhi ng turnover.
Agad na na-foul ni Bravo si Hubalde na umiskor ng una sa kanyang dalawang free throw, ngunit na-follow-up ni Espiritu ang nagmintis na ikalawang bonus shot para sa 69-63 kalamangan ng Tigers, 49.9 segundo na lamang ang oras sa laro.
Sa juniors division, kapwa nagsipagpanalo ang UST Tigers Cubs at ADMU Eaglets kontra sa Baby Maroons, 65-62 at UE Pages, 69-64 , ayon sa pagkakasunod.